PAGPAPAKAWALA NG TUBIG SA SAN ROQUE DAM ITINIGIL

PANGASINAN – ITI­NIGIL na ang pagpapawala ng tubig sa San Roque Dam sa nasabing lalawigan.

Ito ay sa kabila nang pag-apaw muli ang nasabing water reser­voir.

Nabatid na dakong alas-8 ng umaga nitong Martes sa dam monitoring ng PAGASA nasukat ang antas ng tubig ng nasabing katubigan sa 280.51 meters.

Sa datos, nasa 402.52 cubic meters per second ang pinakawalang tubig dahilan kaya naitala ang pagbaha sa ilang bahagi ng Pangasinan.

Nitong Linggo, Nobyembre 17, ang San Roque Dam ang pinakamalaki sa buong bansa ay nagsimulang magpakawala ng tubig bunsod naman sa paghagupit ng lumisang bagyo na Pepito.

EUNICE CELARIO