PAGPAPALAKAS SA COVID-19 FACILITIES NAGBIBIGAY NG PAG-ASA SA PAGBANGON

ANG isang matatag, sapat at accessible na power supply ay gumaganap ng napakahalagang papel sa patuloy na pakikipaglaban sa COVID-19 pandemic.

Walang humpay ang Meralco sa pagsisikap nitong mapalakas ang mahahalagang COVID-19 facilities tulad ng vaccination centers, treatment centers, at vaccine storage facilities, at matiyak na ang naturang mga pangunahing pasilidad ay ligtas sa mga banta ng outages.

Sa kasalukuyan, ang kompanya ay nakapagbigay na ng koryente sa mahigit 140 pasilidad, kabilang ang Mega Field Hospital sa Rizal Park; Tondo Health Center na ginamit bilang vaccination center; We Heal As One Treatment Center sa Pasay City; Pharmaserv Vaccine Storage Facility; COVID-19 Vaccination Facility sa Marikina; RT-PCR Testing Center sa Makati City; COVID-19 Treatment Facility sa MalabonCity; at ang Solaire-PAGCOR Mega Quarantine Facility sa Parañaque City.

Patuloy ang Meralco sa pakikipagtulungan sa pamahalaan para matukoy ang mga karagdagang priority COVID-19 facilities na nangangailangan ng pagpapalakas, habang umuusad ang bansa tungo sa post-pandemic recovery.