PAGPAPALAKAS SA KARAPATANG PANTAO TINIYAK NG PALASYO

Severo Catura

TINIYAK ng Malakanyang na kanilang palalakasin ang karapatang pantao habang nirerepaso ang mga may kaugnayang programa para rito.

Sinabi ni Presidential Human Rights Committee Secretariat (PHRCS) Executive Director Severo Catura na bagaman bahagi na ng kanilang araw-araw na trabaho ang pagkilala sa karapatang pantao, nais nilang palakasain ito at pagsisikapang umangat pa ang kaalaman para ito masunod at maipatupad.

“We affirm to further pursue human rights-related programs as we’ve always been doing for years, especially under this administration—and now this time, we affirming the advancement of human rights in partnership with the United Nations,” ayon kay Undersecretary Catura.

Sinabi pa ni Catura na nailatag na ng pamahalaan ang iba’t ibang significant advancements para sa human rights efforts ng bansa bagaman lagging kumakaharap sa malawakang kritisismo na nakararating pa sa international community.

“I would like to use as a basis the very positive reaction from the human rights council as I’ve said—it has been a challenge for the Philippines to really convey the correct information on what is happening with us and as I’ve said it has been so focused on the very sensitive and confidential issues that really gives us a bad name to the international arena,” ayon pa Catura.

Gayunman, ibinida ni Catura na nasaksihan naman ng United Nations (UN)  ang advance efforts ng Filipinas na may kaugnayan sa adbokasya para sa karapatang pantao.

Naniniwala rin si Catura na naramdaman din ng international community ang suporta ng Filipino para sa makabagong pagganap para sa karapatang pantao. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.