PAGPAPALAKAS SA PHIL COAST GUARD IGINIT

ISINULONG  ni Sen.Panfilo Lacson ang pagpapalakas sa Philippine Coast Guard.

Ito ay upang naprotektahan ang katubigan mula sa panghihimasok at pananakot sa West Philippine Sea gayundin upang mas magampanan nito ang kanilang tungkulin bilang primary maritime agency ng Pilipinas.

“While we all point to the Philippine Coast Guard as the primary maritime agency of the government to strengthen our country’s sensitive frontiers in the West Philippine Sea, we can no longer keep the predicaments of the agency at bay,” ani Lacson.

Dagdag pa ng senador, kailangan din pag-usapan ang umano’y distortion ng sahod, allowances, benepisyo at retirement ng mga PCG personnel bunsod ng kanilang paghihiwalay mula sa Armed Forces of the Philippines at alinsunod sa RA 9993, o ang Philippine Coast Guard Law of 2009 gayundin ang sistema ng ranggo at pay rate na may kinalaman sa Coast Guard.

Aniya, isang isyu na kailangang masolusyonan agad ay ang unity of command lalo na sa panahon ng giyera kung saan ang Coast Guard ay magiging attached sa Department of National Defense sa ilalim ng panukalang batas.

Pagbabahagi ni Lacson, ang Coast Guard commandant ay may four-star rank na katumbas ng ranggo ng Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines.

Ayon sa senador, kabilang sa mga mungkahi ay ang pag-aalis ng ranggo ng Coast Guard commandant habang nasa kalagitnaan ng giyera ang bansa at gawing second line of defense ang Coast Guard habang ang Navy ang magiging first line of defense. “And let the secretaries of the Department of Transportation and Department of National Defense deal with each other for lateral coordination.” LIZA SORIANO