PINURI ni Senador Christopher “Bong” Go si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa kanyang pangako na ipagpatuloy ang programang Build, Build, Build ni dating pangulong Rodrigo Duterte, na binanggit kung paano mas mapapalakas ng pagpapalawak nito ang pag-unlad ng bansa.
“Let us continue to capitalize on the gains of the Build, Build, Build program of the previous administration as this can also be used to sustain and to complement the ‘Build Better More’ program of President Ferdinand Marcos, Jr., to ensure that no one will be left behind in the road towards recovery,” udyok ni Go.
Sa pagdiriwang ng kaarawan ni dating pangulong Duterte noong Marso 28, pinasalamatan ni Pangulong Marcos Jr., sa pamamagitan ng isang video message, ang kanyang hinalinhan sa lahat ng mga sakripisyong ginawa niya para sa bansa at nangakong ipagpapatuloy niya ang kanyang mga legacy program, kung isasaalang-alang kung gaano ito naging makabuluhan at nakatulong sa mga Pilipino.
“Happy birthday to you, Mr. President… Lahat ng magandang nasimulan ninyo, we will continue working on it. We will continue to make sure that those projects you starts will be successful. And I’m glad that I am able to continue the magandang trabaho na nasimulan mo,” bati ni Pangulong Marcos.
Kamakailan, inimbitahan si Go na makiisa sa inagurasyon ng pinakamalaking port passenger terminal building (PTB) sa bansa sa Port of Calapan City sa Oriental Mindoro noong Lunes, Marso 27. Binigyang-diin niya na ang Build, Build, Build program ay inilunsad noong simula ng nakaraang administrasyon na may layuning mapabilis ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagtatayo ng iba’t ibang proyektong pang-imprastraktura, tulad ng mga paliparan, daungan, highway, at tulay, at iba pa.
“Gusto ko rin pong pasalamatan ang ating mahal na Pangulong Bongbong Marcos (Jr.) sa pagpatuloy po ng mga proyekto sa pamamagitan ng kanyang Build Better More (program). Hindi po ito matatapos kung hindi po sa suporta ng ating mahal na Pangulong Bongbong Marcos. Maraming salamat po President Marcos sa pagpapatuloy ng mga magagandang proyekto ni Pangulong Rodrigo Duterte,” pahayag ni Go sa kanyang talumpati saqa inauguration.
Pagkatapos ay pinuri ng senador ang dating pangulo sa paglalatag ng pundasyon para sa pangmatagalang programa sa impraestruktura at ang kanyang dedikasyon sa pagbibigay ng mas komportableng buhay para sa lahat.
“Itong proyektong ito ay isa po ito sa Duterte Legacy na ngayon ay ipinagpapatuloy ni Pangulong Bongbong Marcos.
Napakaganda. Mahalaga po ang kalidad ng serbisyo at world-class na pasilidad. Nakakatuwa po na dito sa malayong isla ng (Oriental) Mindoro nagkaroon ng port terminal sa buong Pilipinas,” diin ni Go.
“Marami pang magagandang seaports sa buong Pilipinas na inuna ni (dating) pangulong Duterte. Importante po magaganda ang ating mga port terminal at komportable po ang ating mga kababayan. ‘Yun naman po ang importante, comfort po. Kumportableng paglalakbay sa ating mga kababayan. Bukod sa paglalakbay nila, importante din dito ‘yung trade at kabuhayan na darating at mapapabilis para sa ating mga kababayan dito sa malalayong lugar tulad ng MIMAROPA,” pahayag nito.
Samantala, habang siya ay nananatiling pursigido sa pagsuporta sa iba pang katulad na mga programa at hakbang sa impraestruktura, binigyang-diin ni Go kung paano ang nasabing mga proyekto ay hindi lamang makapagpapaangat ng kalidad ng buhay ngunit makabuluhang mapabuti ang koneksyon at accessibility sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sa kanyang bahagi, sinuportahan ni Go, na nagsisilbing Vice Chair ng Senate Committee on Finance, ang ilan pang proyekto ng Oriental Mindoro, tulad ng pagtatayo ng farm-to-market roads sa Bulalacao, Bansud, Gloria, Pola at Socorro; pagtatayo ng mga multi-purpose na gusali sa Bongabong, at Bulalacao;pagtatayo ng potable water system sa Socorro at Pinamalayan; pagkuha ng mga multi-purpose na sasakyan sa Pola; at pagkuha ng mga kagamitang medikal para sa lokal na pamahalaan ng Bongabong.
Sa Calapan City, sinuportahan niya ang pagtatayo ng isang multipurpose facility sa Oriental Mindoro Information Technology Park, at mga multi-purpose na gusali sa Oriental Mindoro Provincial Hospital (OMPH) at sa Barangay Santa Cruz, bukod sa iba pa.
“I’m sure mapapakinabangan n’yo po itong iyong bagong port terminal at iba pang imprastraktura na ating sinusulong. Marami sa mga kababayan natin sa Mindoro, nagtatrabaho sa Metro Manila, bibiyahe sila. Ngayon mayroon na kayong komportableng port terminal,” saad ni Go.