PAGPAPALAWIG NG LRT AT MRT OPERATIONS IKINATUWA NG COMMUTERS

LRT-MRT-3

IKINATUWA ng commuters ang panukala ng House committee on Metro Manila na palawigin ang operasyon ng LRT at MRT.

Ayon kay committee Chair. Winston Castelo, kailangang magamit ang kapangyarihan ng Kongreso para ma-extend hanggang higit sa alas-10 ng gabi ang operasyon kapwa ng LRT at MRT dahil marami pang commuters ang papauwi pa lamang sa kani-kanilang mga bahay sa mga oras na ito.

Sinabi naman ng Department of Transportation (DOTr) na pag-aaralan nila ang nasabing panukala.

Ikinatuwa naman ito ng ilang commuter dahil marami pa rin ang nag-o-overtime at umuuwi ng late na kaya’t mas ligtas umano kung may biyahe pa ang LRT at MRT kahit gabing-gabi na.

Sa kasalukuyan, ang operasyon ng MRT ay hanggang 9:30 p.m. at 10p.m. naman ng gabi ang LRT.

Comments are closed.