IKINATUWA ng mga nasa industriya ng mga magbababoy ang pagpapalawig ng mababang taripa sa ilang meat products.
Ayon sa Philippine Association of Meat Processors Inc. (PAMPI) at Meat Importers at Traders Association (MITA), may magandang kahihinatnan ang pagpapalawig ng pagpapababa ng taripa sa mga pork at mechanically deboned meat ng poultry ng hanggang 2028 sa ilalim ng Executive Order 62.
Sinabi ni PAMPI vice president Jerome Ong na mababawi na nila ang tumataaas na presyo ng ilang raw materials at fuel para mapanatili ang kanilang presyo.
Sa kanilang pagtaya ay tumataas ng 10 hanggang 15 porsiyento ang presyo ng raw materials.
EVELYN GARCIA