NITONG Lunes, Mayo 31, lumusot na sa Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill 2208, o ang ating panukalang pagpapalawig sa filing ng estate tax hanggang Hunyo 14, 2023.
At sa sandaling maisabatas, kapwa makikinabang dito ang gobyerno at ang pamilya ng mga may suliranin sa estate tax dahil makahihinga sila sa economic impact ng COVID-19.
Kung nagkataong hinayaan lang natin ang pagpaso ng deadline sa June 14, 2021, posibleng patung-patong na ang magiging problema ng mga naiwang pamilya ng pumanaw na property owners.
Dahil po kasi sa pandemyang ito, 15 buwang hindi gumalaw ang dapat sana’y transaction time para sa pagbabayad ng buwis na ito.
Kabilang din sa talagang hinambalos ng pandemya ang galaw ng ating senior citizens. Mula kasi nang magpatupad ng quarantine at lockdowns, limitado na ang kanilang kilos at ‘di na basta-bastang makalalabas ng bahay. Marami tuloy sa kanila, nagkakaroon ng problema sa kanilang pag-claim ng pension.
Isa pa, karamihan ng mga tanggapan ng gobyerno, tigil-operasyon din dahil nga sa panganib ng COVID-19 sa mga empleyado.
Nagbalik-trabaho man, hindi pa rin full force dahil nga hindi pa rin maaari ang normal na operasyon sapagkat nananatiling nakaamba ang panganib.
Maging ang overseas Filipinos natin, hindi na rin maaaring lumabas ng bansa, at ‘yung mga nais namang umuwi, hindi rin makapasok. Talagang lahat tayo, lahat ng kalakalan, partikular ang galaw ng ekonomiya, hinagupit ng COVID.
Mababatid po natin na noong nakaraang taon, ipinasa rin sa Mababang Kapulungan ang katulad na panukala. Kung tuluyang maisasabatas, may malawak na pagkakataon ang ating taxpayers na mailagay sa ayos ang kanilang unpaid estate tax mula pa noong December 31, 2017.
Malaking benepisyo para sa gobyerno ang extension ng filing period. Iyan kasi ang panahon na magbibigay ng pagkakataon upang makalikom ng pondo ang pamahalaan upang makabawi sa sunud-sunod na paggastos dahil sa pandemya.
Napakahalagang maisabatas ang panukalang ito sapagkat ito ang magiging daan upang makarekober sa pandemya ang mga pamilyang lubhang naapektuhan.
Tatlong magagandang bagay ang hatid ng panukala sakaling mapagtibay at tuluyang maisabatas. Una, kapaki-pakinabang para sa mga tagapagmana ng mga pumanaw na property owners sapagkat mapakikinabangan nila ang kanilang assets.
Pangalawa, kapaki-pakinabang para sa gobyerno dahil tataas ang kanilang koleksiyon, at ikatlo, magiging kapaki-pakinabang din upang maibangon ang nanlulumong ekonomiya.
38015 228918Ill right away grasp your rss feed as I cant in locating your email subscription hyperlink or e-newsletter service. Do youve any? Please let me recognize so that I may possibly subscribe. Thanks. 339431
86099 634860Really informative and great bodily structure of content material , now thats user friendly (:. 181256
616299 60042You will be able use all sorts of advised attractions with various car treatments. A quantity of sell traditional tools numerous demand families for almost any event for any investment district, or even for a holiday in new york. ???? ??? ?????? ????? 5118