KINATIGAN ng mga kongresista sa second reading ang House Joint Resolution 32 o ang pagpapalawig sa paggamit ng 2018 budget.
Sa viva voce voting ay tuluyang napagtibay sa ikalawang pagbasa ang joint resolution.
Sa ilalim ng resolusyon ay pinapayagan na gamitin ang alokasyon sa maintenance and other operating expenses (MOOE) at capital outlay ng 2018 budget hanggang sa susunod na taon o hanggang Disyembre 31, 2019.
Ayon kay Appropriations Vice Chairman Maria Carmen Zamora, may pondo pa sa 2018 na hindi pa naire-release.
Kung hindi aniya mapapalawig ang validity ng 2018 budget ay hindi magagamit ang natitirang pondo rito sa susunod na taon la-lo na sa nagpapatuloy na rehabilitasyon sa Marawi.
Iginiit ni Zamora na napakahalaga na ma-extend ang paggamit sa 2018 budget dahil magagamit ang alo-kasyon na ito para sa rehabilitation efforts sa sunod-sunod na kalamidad na tumama sa bansa. CONDE BATAC
Comments are closed.