TAHASANG sinabi ni Senador Christopher Bong Go na nasa kamay na ng Malakanyang kung pansamantalang ipinagpaliban ang pagpapatupad ng Balik Probinsiya program.
Bagaman si Go ang proponent ng nasabing batas, ang Malakanyang pa rin ang magdedesisyon kasama ang labing-pitong miyembro ng council na pinangungunahan ni Executive Secretary Salvador Medialdea at National Housing Authority General Manager Marcelino Escalada.
Gayunpaman, sinabi ni Go na mayroon nang napauwing benepisyaryo noong Mayo 20 sa Leyte dahil sa dami ng mga gustong umuwi sa kani-kanilang mga lalawigan.
Aniya, natigil lamang ito dahil inuna muna ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga overseas Filipino worker (OFW) at Locally Stranded Individuals (LSIs) lalo na at marami ang nakararanas ng depresyon dahil sa tagal nang nasa quarantine facilities.
Kaya’t muli namang ipinaalala ni Go na dapat magtulungan ang lahat ngayong may pandemya lalo pa at mga kapwa Pinoy ang apektado.
Nauna rito, tinutulungan din ng tanggapan ni Go ang mga LSI sa NAIA kung saan ang iba ay napauwi na sa kani-kanilang mga lalawigan. VICKY CERVALES
Comments are closed.