PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, LUSOT SA SENADO

Panfilo Lacson

PASADO na sa Senado ang ikatlo at huling pagbasa ng panukalang batas sa pagpapaliban ng halalan sa Bangsamo­ro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) mula Mayo 2022 sa Mayo 2025.

May botong 15-3-0 ang Senate Bill No. 2214. Kabilang sa mga hindi pabor ay sina Senador Panfilo Lacson, Manny Pacquiao, at Ralph Recto. Samantala, nag-abstain naman si Sen. Imee Marcos.

Ayon sa panukala, idaraos na lamang ang BARMM elections sa taong 2025.

Kung maisabatas, babaguhin ng panukalang batas ang isang probisyon ng Republic Act 11054 o ang Bangsamoro Organic Law na nagtatakda na isinasabay ng gobyerno ng Bangsamoro ang unang halalan nito sa pambansang halalan sa 2022.

Palalawigin din ang transition period sa bagong rehiyon ng tatlong taon sa ilalim pa rin ng Bangsamoro Transition Authority.

Ang mga bagong miyembro ay itatalaga ng pangulo sa 2022 at magpapatuloy bilang interim government sa BARMM.

Samantala, sinabi ni Lacson na ang pag-postpone ng halalan sa BARMM ay dapat nakadepende sa mga mamamayan nito.

“It was for this reason that Lacson voted against resetting the elections, saying: “[I]t is my belief, that postponing the election should also be in accordance with the mandate of the people of the [BARMM] which should be decided in a plebiscite.” LIZA SORIANO

7 thoughts on “PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, LUSOT SA SENADO”

Comments are closed.