Pagpapaliban sa BARMM poll ipinahiwatig ni PBBM

POSIBLENG hindi matuloy ang BARMM election sa susunod na taon, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

“We might not be able to do it next year considering the Supreme Court decision separating the province of Sulu from the Bangsamoro region,” pahayag ni Presidente Marcos sa isang panayam sa Pangasinan.

Binanggit ng Pangulo ang probabilidad ng pagpapaliban sa BARMM electoral exercise, na kaalinsabay ng mid-term election sa susunod na taon, dahil sa kakulangan ng material time.

“We are still studying it because of the many implications in terms of changes which were triggered by the SC decision. Maybe we might not be able to do it by May next year,” pagbibigay-diin ng Pangulo.

Nauna rito ay umigting ang panawagan para sa pagpapaliban sa BARMM election dahil sa pangangailangan na tugunan ang pagbubukod sa Sulu mula sa Bangsamoro region at matiyak ang “credible at inclusive election” na sumasalamin sa kalooban ng mga mamamayan ng Bangsamoro.

Ang mga nagtutulak sa pagpapaliban sa kauna-unahang BARMM Parliamentary poll ay kinabibilangan nina Senate President Chiz Escudero at House Speaker Martin Romuladez, na naghain ng magkahiwalay na bills para sa postponement; ang apat na governors
ng BARMM na sina Jim S. Hataman Salliman ng Basilan, Abdulraof A. Macacua ng Maguindanao del Norte, Mamintal Alonto Adiong ng Lanao del Sur at Yshmael I. Sali ng Tawi-Tawi.

Sumusuporta rin sa pagpapaliban ng BARMM polls ang siyam sa 12 mayors ng Maguindanao del Norte; 12 mayors ng Maguindanao del Sur; 10 mayors ng Basilan; 10 mayors ng Tawi-Tawi; at ang 54 miyembro ng 80-member Bangsamoro Transirion Authority, na lumagda sa Resolution 505 na nananawagan sa dalawang kapulungan ng Kongreso na iurong ang BARMM election.

Ang executive council ng Moro National Liberation Front (SEMA wing) at si MNLF vice chair Ustadz Abdulkarim Tan Misuari at ang Mindanao Development Authority at OPAPRU ay bahagi ng movement na aktibong nagtutulak sa pagpapaliban sa BARMM election.

Nitong linggo ay nagpadala ang BARMM governors ng signed resolution sa Pangulo na nagpapaliwanag na ang pagpapaliban sa BARMM election ay magbibigay ng sapat na oras para i-reconfigure ang electoral districts, at tiyakin na ang lahat ng nalalabing lugar ay may sapat na representasyon.

“This purposeful resetting is intended to ensure that the electoral process is conducted with integrity and safeguards the fundamental right of suffrage by creating the conditions indispensable for its meaningful exercise,” ayon sa provincial chief executives.

Ipinunto pa ng mga governor na sa mga isyu sa Sulu at parliamentary seats, kukulangin ang oras para makapaghanda sa 2025 Bangsamoro region electoral exercise.

“The current timeline does not provide enough time for these preparations. potentially undermining the credibility of the elections. Postponing the elections to 2026 allows ample time for a comprehensive and inclusive electoral process,” anila.

Ang LGU leaders at ang lahat ng stakeholders ng Bangsamoro region ay tila nangangamba na ituloy ang 2025 BARMM election dahil sa limitadong oras na i-reconfigure ang buong proseso, partikular sa isyu ng Sulu, kabilang ang pangangailangan na maghanda para sa eleksiyon sa Province of Kutawato.