PAGPAPALIPAD NG EROPLANO SA TAAL IBINAWAL

IPINAGBABAWAL  ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang paglapit at pagpapalipad ng eroplano malapit sa Bulkang Taal.

Ginawa ng Phivolcs ang babala matapos magkaroon ng tatlong mahihinang phreatomagmatic bursts na umabot ng tinatayang limang metro ang taas gabi ng Sabado.

Ayon sa ahensiya, posible pa ring magkaroon ng phreatic explosions mula sa bunganga ng bulkan.

Wala namang inaasahang malaking epekto sa mga residente malapit sa Taal Volcano ang mga aktibidad nito.

Wala pa ring inirerekomendang paglikas, pero pinaalalahanan ang mga mangingisda na huwag manatili nang matagal malapit sa Taal Volcano.

Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Agoncillo, Batangas ang kahandaan sakaling irekomenda ng Phivolcs ang paglikas dahil sa mga aktibidad ng Bulkang Taal.