PAGPAPASABOG NADISKARIL NG MILITAR

EOD

SULTAN KUDARAT – BIGO ang mga tero­rista na mapasabog ang Improvised Explosive Device na kanilang isinilid sa isang bag at inilagay sa harap sa isang eskuwelahan sa Tacurong City.

Ayon kay Joint Task Force Sulu Brigadier General Cirilito Sobejana, alas-3:00 hapon kamakalawa nang marekober ng mga tauhan ng Joint Task Force Talakudong ng Philippine Army ang IED sa harap ng Griño Elementary School sa National Highway ng Tacurong City.

Agad na rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng Explosive Ordnance Disposal (EOD) ng  Army at PNP dahilan para mapigilan ang pagsabog ng  natagpuang IED.

Ang IED ay gawa sa unexploded ordnance mula sa 105mm ammunition.

Batay sa pahayag ng civilian informant, isang Yasser Saligan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa ilalim ni Commander Sukarno Sapal alyas Diok ang naglalagay ng mga IER na target ay ang lalawigan ng Sultan Kudarat.

Nagpasalamat naman si Sobejana sa impormasyong ibinibigay ng mga sibilyan kasabay ng panawagan na maging mapagmatiyag at alerto laban sa mga kahina-hinalang bagay o tao. R. SARMIENTO

6 thoughts on “PAGPAPASABOG NADISKARIL NG MILITAR”

  1. 455848 540031Dude.. My group is not considerably into looking at, but somehow I acquired to read several articles on your weblog. Its great how interesting its for me to check out you fairly often. 317371

  2. I’d ought to check with you here. Which isn’t some thing Which i do! I enjoy reading a post which will get people to believe. Also, many thanks permitting me to comment!

  3. 441519 573003Terrific paintings! That is the type of information that are meant to be shared around the net. Shame on the seek for no longer positioning this publish higher! Come on more than and consult with my site . Thank you =) 238263

Comments are closed.