SISILIPIN ng Kamara ang napaulat na napipintong pagsasara ng MARINA sa 61 mula sa 91 na maritime schools sa bansa.
Ang pagsasara ay kaugnay sa non-compliance sa Standards of Training, Certification and Watch keeping for Seafarers ng mga maritime school.
Ayon kay Marino Party-list First Rep. Sandro Gonzales, kung matutuloy ito ay hindi na mabibigyan ng European Union ang mga Pinoy seafarers ng certification.
Magiging malaking dagok umano ito sa trabaho at employability ng mga seafarers lalo pa’t kasalukuyang sumasailalim ang bansa sa audit ng European Maritime Safety Agency kung nasusunod ba ang standards.
Dahil dito, pakikilusin ni Gonzales ang House Committee on Transportation para imbestigahan ang isyu na ito gayundin ang mga opisyal na dapat ay responsable dito.
Sa kasalukuyan, magkatuwang ang Commission on Higher Education at Maritime Industry Authority sa pamamalakad ng maritime schools sa bansa sa ilalim ng Executive Order 63. CONDE BATAC
Comments are closed.