INIHAYAG ni House Majority Floor Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez na sa kanilang pagbabalik ngayong araw para sa limang linggong sesyon ay pangunahing tututukan nila ang pag-apruba sa mga panukalang batas na layuning palakasing muli ang ekonomiya at lumikha ng maraming trabaho sa iba’t ibang bahagi ng bansa bilang tugon na rin sa nararanasang COVID-19 pandemic.
Kasabay nito, bilang pagsunod sa umiiral na ‘new normal’, sinabi ni Speaker Alan Peter Cayetano na isusulong niya ang pagpapagawa ng mga rural health facility, iba pang infrastructure projects at ang pagkakaroon ng maayos at maaasahang internet at telecommunications services sa mga malalayong lugar.
Sa isang panayam, sinabi ni Romualdez na ‘top priority’ nila ang pagsusulong ng iba’t ibang anti-COVID- 19 measures na maaaring ipatupad ng pamahalaan, partikular ang maibsan ang malaking epekto sa negosyo at paghahanapbuhay ng COVID-19 crisis.
“The House will deliberate various pending COVID-related bills and resolutions to help govern-ment response in curbing the pandemic’s effect to the economy and the general public, especial-ly to the labor force,” ayon pa kay Romualdez.
Sinabi ng Leyte province lawmaker na kabilang sa mga target ng Kamara na maaprubahan ay ang Philippine Economic Recovery Act (PERA); OVID-19 Unemployment Reduction Economic Stimulus (CURES) Act of 2020; House Bill 6623 o ang “New Normal for the Workplace and Public Spaces Act”; at ang pagpapalawig sa bisa ng 2020 national budget at iba pa.
Paliwanag ni Romualdez, sa ilalim ng PERA, magkakaroon ang Duterte administration ng P700 bilyon na pondo bilang economic stimulus o tulong nito sa iba’t ibang sektor ng negosyo; ang CURES Act naman ay pagpapalakas ng infrastructure projects ng pamahalaan sa health, education, agriculture, local roads at livelihood o HEAL sectors, na lilikha rin ng marami trabaho at iba pang oportunidad sa paghahanapbuhay.
Ang HB 6623, na iniakda ni Speaker Cayetano at iba pang ranking officials ng Kamara, ay nagtatakda ng bagong kagawian sa pang-araw- araw na pamumuhay, pagtatrabaho at pagpapatakbo ng mga negosyo gaya ng pagsusuot ng face mask sa paglabas ng bahay at pagsunod sa physical distancing.
Samantala, sa inaasahang pagtatapos ng enhanced community quarantine (ECQ) at pagpapatupad naman sa general community quarantine (GCQ) at mararanasang ‘new normal’, iginiit ni Cayetano na ang bawat lalawigan ay kailangang magkaroon ng ospital na kayang mangalaga sa COVID-19 patients.
“If COVID-19 is going to stay with us for the next two years, we will need separate COVID hospitals so that the other hospitals can treat people with other ailments – those with cancer, renal disease, those needing dialysis,” sabi pa ng lider ng Kamara. ROMER BUTUYAN