PAGPAPATIGIL SA ENDO KINATIGAN

Rep-Dakila-Carlo-Cua

NANAWAGAN si House Ways and Means Committee Chairman Dakila Carlo Cua na mahigpit nang ipatupad ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagpapatigil sa “endo” practice ng mga employer sa bansa.

Ito ay kasunod na rin ng utos ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA na wakasan ang “endo”.

Giit ni Cua, kailangang maging masigasig ang DOLE sa istriktong implementasyon ng kautusan ng Pa­ngulo sa pagpapatupad ng batas laban sa “endo”.

Ang pagtiyak, aniya, sa job security ay mahalagang bahagi para sa sustainable employment ng mga manggagawa sa bansa.

Maganda aniyang panimula na 300,000 na emple­yado ang na-regular sa trabaho kasunod ng pagpapatupad ng Executive Order No. 51.  CONDE BATAC

Comments are closed.