PAGPAPATROLYA SA WPS KARAPATAN NG PILIPINAS-AÑO

SINABI  ni National security adviser Eduardo M. Año na karapatan ng Pilipinas na magpatrolya sa West Philippine Sea, kasama ang Bajo de Masinloc, na nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.

Ayon pa kay Año, naayon ito sa ilalim ng internasyonal na batas.

Ito ay kaugnay sa isinagawang routine patrol operations ng PS39 sa general vicinity ng Bajo de Masinloc.

Aniya, hindi ilegal na pumasok sa anumang lugar sa ilalim ng soberanya ng Tsina dahil ang Bajo de Masinloc ay bahagi ng PH archipelago at EEZ habang ang mga sasakyang pandagat ng China, gaya ng dati, ay nagsagawa ng shadowing sa paggalaw ng PS39.

Pinalalaki lamang aniya ang pangyayaring ito at lumilikha ng hindi kaaya -ayang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Gayunpaman, hindi mapipigilan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG) sa mga agresibo at ilegal na aktibidad ng China Coast Guard/Militia sa West Philippine Sea.

Hinimok din nito ang China na kumilos nang may pananagutan, igalang ang UNCLOS, sumunod sa 2016 Arbitral Ruling, isulong ang nakabatay sa mga panuntunang internasyonal na kaayusan, at itigil ang agresibo at ilegal na pagkilos nito sa karagatan ng Pilipinas.
PAULA ANTOLIN