PAGPAPATULOY NG VOTER REGISTRATION DINAGSA

DINAGSA ang pagpapatuloy ng voter re­gistration sa mga nais humabol na aplikante  para sa eleksiyon sa Mayo 2022.

Madaling araw pa lamang ay mahaba na ang pila ng mga nais magparehistro sa opisina ng Commission on Elections sa Barangay Sto. Cristo lungsod ng Quezon gayundin sa lungsod ng Pasig na mayroon lamang tatlong daan slot para sa mga aplikanteng magpaparehistro.

Samantala, nagpa­alala ang mga opisyal ng barangay na patuloy pa ring sundin ang physical distancing.

Ang pagpapalawig sa voter registration ay hanggang sa  Oktub­re 31.

Nagsimula ulit ang pagpaparehistro sa Oktubre 9 matapos magbigay-daan sa paghahain ng Certificate of Candidacy (COC).

Nauna rito ay itinuturing ng mga mambabatas na tagumpay ang desisyong palawigin ang pagpapatala.

“Ang desisyong ito ay tapat sa diwa ng demokras­ya dahil pina­kinggan ng Senado, ng Kongreso, at lalo na ng COMELEC, ang nais ng taumbayan: ang marinig ang kanilang boses at makapag-ambag sa kinabukasan. Lalo na ngayong pandemya, importante na pinoprotektahan natin ang ating karapatang makilahok sa proseso ng eleksyon,” ayon kay Sen. Riza Hontiveros.

Patuloy naman na hinihimok ng mambabatas ang mamamayan na magparehistro at maki­lahok sa darating na halalan.

4 thoughts on “PAGPAPATULOY NG VOTER REGISTRATION DINAGSA”

  1. 667208 919487Youre so cool! I dont suppose Ive read anything such as this before. So nice to get somebody with some original thoughts on this subject. realy we appreciate you starting this up. this fabulous web site are some issues that is required on the internet, somebody with a little originality. beneficial function for bringing a new challenge on the world wide internet! 281938

  2. 877945 98250Hoping to go into business venture world-wide-web Indicates revealing your products or services furthermore companies not only to ladies locally, but nevertheless , to a lot of prospective clients in which are online in most cases. e-wallet 999571

Comments are closed.