PRAYORIDAD ng Department of Education (DepEd) ang pagpapaunlad sa access at kalidad ng edukasyon sa bansa.
Binatay ang 2023 Proposed Budget sa Basic Education Development Plan (BEDP) 2030.
Ito ang unang long term plan ng DepEd na binalangkas ng administrasyon ni dating Secretary Leonor Briones.
Ayon kay Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte, laman nito ang mga dapat tutukan para maresolba ang problema sa pagkatuto, partisipasyon at paghahatid ng edukasyon sa bansa.
Samantala, sa pagpapatuloy naman ng pagbalangkas sa kanilang panukalang pondo ay sasangguni rin ang DepEd sa Department of Health (DOH) ukol sa mga COVID related allocations.