IGINIIT kahapon ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go na kailangang madaliin ang pagpapaunlad sa mga probinsya para magtagumpay ang Balik Probinsya Program na isinusulong niya at ng pamahalaan.
Ayon sa senador, bukod sa tulong na ma-decongest ang Metro Manila ang Balik Probinsya program ay naglalayon na palakasin at paunlarin ang ekonomiya ng mga probinsya. Napapanahon din ang programa, dahil base sa pinakahuling tala ng Department of Health, 70 porsiyento na infected ng COVID-19 ay galing sa Metro Manila.
“Malaking factor po sa pagkalat ng COVID-19 sa Metro Manila ang congestion o overwrowding. Sabi nga ng mga eksperto, maraming global pandemics pa po ang mararansan ng mundo sa hinaharap. Kailangan po natin ng mas proactive at pangmatagalan solusyon dito upang mas maging handa tayo sa hinaharap,” ayon kay Sen. Go.
Dagdag nito, ang pinaka-epektibong solusyon sa decongestion ng Metro Manila ay ang Balik Probinsiya Program.
“Maraming tao rito kaya nama mabilis kumalat ang virus, mas mahirap alagaan ang mga komunidad, at mas mahirap i-manage ang ating resources na maaring magamit ng ating local government units,” ani Go.
Giit pa niya na sa naturang programa, pag-aaralan din kung paano mas mae-empower ang mga probinsiya upang magkaroon sila ng kapasidad na tulungan ang kanilang mga nasasakupan.
Ikinalugod naman ni Go, ang positibong pagtanggap sa isinusulong na programa lalo na ang ilang key officials ng pamahalaan.
Kamakailan ay inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na nakahanda silang magbigay ng karagdagang insentibo sa mga negosyo na itatayo sa mga probinsiya. Nagpahayag din ng suporta and Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sigurado raw na mababawasan ang kahirapan sa bansa kapag ipinatupad ang Balik Probinsiya Program.
Comments are closed.