UMAKSIYON na ang pamahalaan para sa pagpapauwi sa 200 overseas Filipino workers (OFWs) sa Riyadh, Saudi Arabia na napilitan na lang mamasura para mabuhay matapos mawalan ng trabaho dahil sa COVID-19.
Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) administrator Hans Cacdac, pinatawag na nila ang recruitment agency ng OFWs at naidulog na sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang kawalan ng aksiyon ng mga ito para agad silang ma-pauwi.
Ani Cacdac, kumikilos na ang embahada at Labor Office sa Riyadh para mapauwi na ang mga OFW at papanagutin ang kanilang recruit-ment agency.
Gayundin, anito, walang dapat ipangamba ang mga nangangalakal na OFWs kung naisangla na nila ang kanilang mga passport dahil tutulun-gan sila ng gobyerno na magkaroon ng mga kinakailangang travel papers.
Tiniyak din ng OWWA na padadalhan ang mga OFW ng pagkain hanggang sa makauwi sila sa Filipinas.
Nabatid na ang mga nasabing OFW ay mga empleyado ng isang aluminum company pero ilang buwan nang hindi nakaka-pagtrabaho dahil sa COVID-19.
Comments are closed.