MINAMADALI na ng Department of Foreign Affairs ( DFA) ang pagpapauwi sa mga Overseas Filipino Worker (OFW)mula Lebanon kasunod ng mga kilos protesta at pagbibitiw sa puwesto ng mga government official doon.
Dahil dito, mas pinatindi ng DFA ang mga operasyon nito upang mai-repatriate ang mga Filipino sa bansa sa lalong madaling panahon.
Dulo’t ito ng kaliwa’t kanang kilos protesta sa mga lansangan at ang sopresang pagbibitiw ng mga opisyal ng gobyerno ng Lebanon.
“Walang sinoman ang maiiwan”, ani Migrant Workers Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola.
Ang unang chartered-flight mula sa Beirut ay darating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa ika- 17 ng Agosto dakong ala- 1:25 ng hapon na kung saan 400 OFWs ang inaasahang darating sa bansa.
Ang Qatar Airways ang magiging una sa serye ng repatriation flights na ikakasa ng DFA upang maiuwi ang mga OFW.
Ani Arriola, ang mga flight na ito ay libre at walang gastos ang magsisiuwing OFWs mula sa Lebanon. LIZA SORIANO
Comments are closed.