IGINIIT ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang pagpapawalang-bisa sa Rice Tariffication law.
Ayon kay Danilo Ramos, chairman ng KMP, dapat alam na ngayon ng pamahalaan na mistulang death sentence para sa mga magsasaka ang Rice Tariffication law.
Ayon kay Ramos na mula sa P17.00-P18.00/kilo, nabebenta na lamang ngayon sa P7.00-P8.00/kilo ang palay sa Nueva Ecija, ang tinaguriang ‘Rice Bowl’ ng bansa.
Dahil aniya sa Rice Tariffication law kung saan tinanggalan ng tungkulin ang National Food Authority na mamili ng palay sa mga magsasaka, naiwanan na ang mga magsasaka sa kamay ng private traders na bumabarat sa kanilang palay.
Kasabay nito, nanawagan din ang KMP sa pamahalaan na magpatupad muna ng moratorium sa conversion ng mga lupang pangsaka.
Comments are closed.