PAGPAPAYAMAN SA ATING SINING AT KULTURA

(Pagpapatuloy…)
Sumusuporta rin sa sektor ng sining at kultura ang Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL). Ginagampanan nito ang sariling papel upang makaambag sa paglikha ng mas masiglang bansa sa larangan ng inobasyon, paglikha, at negosyo. Kamakailan ay ipinagdiwang ng IPOPHL ang kanyang ika-25 anibersaryo, kaya’t nais kong ipaabot ang aking mainit na pagbati sa mga bumubuo ng ahensiyang ito.

Ang tema ng anibersaryo ngayong taon ay, “Creating a Silver Bright Future,” na naglalayong ipakita ang patuloy na adhikain ng IPOPHL na sumuporta sa pagbangon ng bansa mula sa pandemya sa pamamagitan ng paghikayat sa lahat ng gamitin ang sistemang IP (intellectual property) o yamang isip.

Misyon din ngayon ng IPOPHL na isulong ang pag-amyenda sa IP Code upang makasabay ang Pilipinas sa mga pagbabago sa teknolohiya at balangkas ng mga batas pang-internasyunal, mga pamantayan, at pinakamahusay na kasanayan (best practices).

Ang mga iminumungkahing pagbabago sa batas ay makakatulong upang maging mas bihasa ang bansa sa pakikipagkompetensiya at maging mas kaaya-aya ang Pilipinas para sa mga banyagang mamumuhunan. Umasa tayong maaaprubahan ng ating mga Kongresista ang panukalang ito sa mga darating na buwan o taon.

Para sa mga manunulat naman, may magandang balita ang National Book Development Board (NBDB).

Iniurong sa ika-30 ng Hunyo ang dedlayn para sa pagsusumite ng aplikasyon para sa Publication Grant.

Sa ilalim ng programang ito, tutulong ang NBDB upang matapos ng mga manunulat ang nasimulang libro o maisa-libro ang mga ideya pa lamang.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring tumawag sa 09776338425 o mag-email sa [email protected]