NANGAKO si Senador Risa Hontiveros na susundan ang Kamara matapos nitong aprubahan sa second reading ang kontrobersyal na divorce bill.
“Sana all! We vow to continue to work in the Senate to pass necessary though contentious legislation, despite the challenges we face,” ani Hontiveros.
Sinabi ng senadora na hinihintay na lamang niya ang pamunuan ng Senado na mag-iskedyul ng kanyang sponsorship sa panukalang batas.
“Hinihintay ko lang na mailagay sa agenda ang pag-sponsor ko ng bill. I do hope my colleagues can support this important measure,” aniya.
Ang divorce bill ng Kamara ay nakahanda na para sa final reading vote sa susunod na linggo.
Inaprubahan na ng Kamara ang katulad na panukalang batas noong 17th Congress ngunit hindi ito aprub sa Senado. LIZA SORIANO