PAGPASLANG SA BUCOR OFFICIAL WALANG CCTV FOOTAGE

Debold Sinas

WALANG  mahanap na closed circuit television (CCTV) footage ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa lugar sa Muntinlupa City kung saan pinaslang si Atty. Fredrick Anthony Santos ng Bureau of Correction.

Ito ang inihayag ni NCRPO Director Major General Debold Sinas.

Aniya, sira ang mga CCTV sa lugar nang pinangyarihan ng krimen.

Hindi rin daw nakuhanan ng dashcam ng sasakyan ni Santos ang mga suspek dahil sa gilid o sa driver side dumaan ang mga ito nang pagbabarilin ito.

Gayunpaman, bumuo na ng Special Investigation Task Group ang NCRPO para matutukan ang pag-iimbestiga sa pamamaslang.

Nakipag-ugnayan na rin ang NCRPO sa BUCOR at ang isyu sa Good Conduct Time Allowance (GCTA)  ang tinitingnan motibo sa pagpatay sa abogado.

Matatandaan, si Santos ay ang suspendidong BUCOR Legal Chief na humarap noon sa pagdinig ng Senado kaugnay sa GCTA for Sale. REA SARMIENTO

Comments are closed.