PAGPASLANG SA MGA MAGSASAKA PINAAAKSIYUNAN

Argel Cabatbat

KINALAMPAG ng isang bagitong kongresista ang ilang ahensiya ng pamahalaan na gumawa ng kaukulang aksiyon upang matuldukan ang diumano’y insidente ng pamamaslang sa hanay ng local farmers sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Giit ni Magsasaka party-list Rep. Argel Cabatbat, nakababahala ang ulat ng isang international human rights organizations na nagsasabing sa nakaraang tatlong taon, ang Filipinas ay nangunguna sa mga bansang may pinakamaraming bilang na pinapatay na magsasaka.

Ayon sa kongresista, pinakahuling bik­tima ng naturang krimen si Andy Rivera, 35-anyos ng Guimba, Nueva Ecija.

“He (Andy Rivera) was killed by 2 unidentified gunmen riding a motorcycle. He had no criminal records and was known in their barangay as a good person, and was just a small-time farmer,” sabi pa ni Cabatbat.

Hindi dapat mapabilang na lamang  sa mga naitalang insidente ng pagpatay sa hanay ng local farmers ang kaso ni Andy Rivera, bagkus ay marapat nang kumilos ang alinmang kinauukulang sangay ng pamahalaan para maigawad ang hustisya rito.

“We must commit to prevent a case like this from happening again,”  pahayag pa ni Cabatbat. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.