PAGPASLANG SA PCSO BOARD SECRETARY KINONDENA

Royina Garma

KINOKONDENA ng Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO) ang pagpaslang sa kanilang Board Secretary na si Atty. Wesley Barayuga.

Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, mahigpit ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Philippine National Police para sa agarang ikalulutas ng kaso.

Kasabay nito, nagpaabot din ng pakikiramay ang pamunuan ng PCSO sa naulilang pamilya ni Atty. Barayuga gayundin sa mga kaibigan at kasamahan nito sa trabaho

Giit pa ni Garma, malaking kawalan si Atty. Barayuga sa kanilang tanggapan dahil sa buong pusong pagkakaloob nito ng kaniyang sarili para sa paglilingkod sa mga kababayang kapuspalad. ELMA MORALES

Comments are closed.