PINATUTUKAN na ni PNP Chief Gen. Debold Sinas ang pagpaslang sa doktor na pinuno ng IATF sa Guihulngan City noong Martes ng gabi sa Negros Oriental.
Bumuo na rin si Sinas ng Special Investigation Task Force para sa mablis na pagresolba at hustisya sa pagpaslang kay Dr. Mary Rose Sancelan at mister nito.
Batay sa imbestigasyon, pauwi na ang biktima at mister na si Edwin nang pagbabarilin ang mga ito ng mga armadong kalalakihan na kung saan 15 basyo ng bala ng cal..45 ang narekober sa Guihulngan City.
Nauna nang sinabi ng Karapatan Negros Island na nasa hitlist si Sancelan ng KAGUBAK, isang anti-communist vigilante group sa lalawig-an.
Gayundin, inamin ni Sinas na blangko pa ang PNP sa impormasyon kaugnay sa pagpatay kay Sancelan. EUNICE C.
Comments are closed.