PAGPASOK NG BAGONG COVID-19 STRAIN SA PH PAGHANDAAN-DOH

Francisco Duque III

HINDI maiiwasan ang pagpasok ng bagong strain ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, hindi naman maiiwasan ang pagpasok nito sa Filipinas ngunit dapat lamang na matukoy at mapaghandaan kung kailan ito papasok sa bansa.

Sinabi ni Duque, dapat ding matiyak ang istriktong pagsunod ng publiko sa minimum health standards lalo pa’t mas mabilis na makapanghawa ang bagong strain ng COVID-19.

Matatandaang, una nang ipinag-utos ng pamahalaan ang travel ban sa 20 bansa dahil sa banta ng bagong strain ng COVID-19.

Comments are closed.