SINIMULAN na ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa ang paghahanda sa pagpasok ng tag-ulan.
Umarangkada na ang Engineering department ng lungsod para sa declogging activities nito.
Partikular na tinutukan ang mga baradong kanal at estero para maiwasan ang pagbaha dulot ng malakas na pag-ulan.
Ang ilan sa mga lugar na pinuntahan ng Declogging team ay ang mga Midland 1 Subdivision, Brgy. Putatan, Purok 1 Extension, Brgy. Alabang, San Roque Purok 1 Extension, Brgy. Alabang at Phase 1 Don Juan Bayview, Brgy. Sucat.
Manawagan din ang pamahalaang lungsod sa mga residente nito na nais ng declogging assistance ay maaring magpadala ng request letter sa Engineering Department (2nd Flr., Main Bldg., City Hall) tuwing Lunes hanggang Biyernes mula alas-7 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.
Paalala ng Muntinlupa lgu sa publiko na ugaliin ang paglalagay ng basura sa tamang tapunan para maiwasan ang pagbara sa mga kanal, lalo na ngayong paparating ang tag-ulan.
CRISPIN RIZAL