SA harap na rin ng banta ng H5N1 bird flu outbreak mula sa China, binabantayan ng Bureau of Customs (BOC) ang meat products mula sa Tsina.
Kasabay na rin ito ng pakikipagkoordinasyon ng customs sa Department of Agriculture o DA para mapigilan ang pagpasok ng sakit na maaaring makaapekto sa bansa.
Sinabi ni Customs spokesman at Asst. Commissioner Philip Vincent Maronilla na aalamin din nila ang lahat ng mga permit ng mga kargamentong papasok sa bansa bago payagan mailabas ang mga ito.
Ito aniya ay sa pakikipagkoordinasyon din sa Bureau of Animal Industry (BAI) at National Meat Inspection Service (NMIS).
Nauna nang napaulat na bukod sa novel coronavirus sa China, idineklara na rin sa Hunan sa China ang outbreak ng H5N1 bird flu virus na kumitil na ng libu-libong alagang manok sa nasabing bansa.
Una nang iniulat ng World Health Organization (WHO) na noong Nobyembre 2006, nakaapekto na sa 55 bansa sa Asya, Middle East, Africa at Europe ang pagkalat ng avian flu virus sa mga wild bird at alagang manok, na nagresulta sa pagkakahawa sa 258 katao, kung saan 53 sa mga ito ay nasawi.
Comments are closed.