PAGPASOK NG P1.8B DROGA SA BOC HUWAG PAGTAKPAN-LACSON

shabu

NAGBABALA  kamakailan si Senador Panfilo Lacson sa dalawang mataas na opisyal ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na huwag pagtakpan ang mahigit sa P1.8B halaga ng shabu na ipinasubasta ng Bureau of Customs (BOC) na binigyan naman ng clearance ng Philippine Drug Enforcemen Agency.

Ayon kay Senador Lacson, chairman ng Senate Committee on Public Order, lalo lamang umanong madidiin sina Customs Commissioner Leonardo Guerrero at PDEA Dir. General Aaron Aquino sa anomalyang kung ito ay kanilang pagtatakpan.

Nauna nang inamin  ng dalawa na sinadyang ipinalusot nila ang nasabing kontrabado sa pamamagitan ng pagsubasta nito para matunton umano ang tunay na may-ari.

Nakatakdang ipatawag ang dalawa sa pagbubukas ng 18th Congress.

Sang-ayon naman ang isa pang mambabatas sa Kongreso, tila may cover-up umanong nangyayari hinggil sa umalingasaw na anomalya sa droga.

Ayon sa mambabatas na taga-Luzon, pinalaki ng Philippine Military Academy Alumni Assiciation Inc. (PMAAAI) noong Huwebes ang pag-mumura ng brodkaster na si Erwin Tulfo kay retired general, at ngayo’y DSWD Sec., Rolando Bautista para mapagtakpan umano ang bilyong pisong shabu smuggling laban kina PDEA Dir. Gen. Aquino at BOC Comm. Guerrero.

Ayon sa naturang mambabatas, kung tutuusin maliit na isyu yung pambabastos ni Tulfo kay Gen. Bautista dahil ayaw nitong magpa-interview pero gumawa na rin ng public apology ang brodkaster, kaysa doon sa kinasasangkutang anomalya ng dalawang retired generals.

Si Dela Rosa ay produkto ng PMA class 1986, si Guerrero ay PMA class 1984 at kaklase niya sina dating PNP-NCRPO Dir. Joel Pagdilao at Police Dir. Bernardo Diaz.

Si PDEA Dir. Aquino naman ay produkto ng PMA class 1985 at ka-batchmate si DSWD Sec. Bautista.

Comments are closed.