BREEDING season na naman, and I’m sure, naka-priming na ngayon ‘yung mga breeding material na gagamitin natin para sa local at national banded.
At tuwing breeding season ay nag-e-experiment ang ilan sa atin na mga battlecrosses na uubra sa mabibigat na labanan kaya hindi maiwasan na magpasok tayo ng ibang linyada para mas lalo pang ma-improve ang laro ng ating manok at maging “complete package”, ika nga.
Pero everytime na magpapasok tayo ng panibagong linyada sa breeding program, dapat po ay kaya nating ipaliwanag kapag may nagtanong ng salitang “bakit” dahil kung hindi kayang ipaliwanag ay maaaring makasira lamang po ito.
Ayon kay Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp, madali lang ang magpasok ng panibagong linyada pero pagsabog niyan ay magiging basura lamang iyan.
“Palagi po may naka-set na pamantayan para hindi tanong nang tanong kung ano ang lalabas na anak basta iyan ay magpagulong-gulong ka man sa pagko-cross ang lalabas ay palaging manok pa rin!” ani Doc Marvin.
“Kung gusto mag-refresh ng linyada at paala-alangan din lang ang hitsura ay mas magaling pa ang magbuko na lamang, malamig na matamis pa! Kung magpapasok ka ng bagong linyada o kung kanino ka man kukuha na breeder/seller ay dapat mas quality ang manok niya kaysa sa manok mo!” dagdag pa niya.
Bilang breeder, ikaw ang nakakaalamkung ano talaga ang nilalaman ng linyada na nakapaloob sa breeding materials na pinapalahi mo.
“Ang kulay ng balahibo ay isa sa puwedeng basehan kung anong linyada ang nakapaloob diyan, kaya kung nagbebenta ka ay palaging sasabihin mo ang totoo kasi kung ano ang nakapaloob na hitsura ay palaging lalabas at lalabas iyan, hindi mo lang alam kung kailan!” sabi pa ni Doc Marvin.
Dapat maingat tayo sa pag-share ng breeding materials kasi pagkatao natin ang nakataya diyav.
“Para sa akin ang lahat ng bloodline ay iisa lamang na ito ay karapatan ng breeder kung ano gusto ang niyang ipangalan, basta sila ay pare-parehas na manok din na kapag tinamaan ng tari sa kalinisan ay gagapang at gagapang sa harapan mo iyan,” ani Doc Marvin.
At kung gusto mo talagang makopya ‘yung katangian ng breeding materials na pinagpares mo ay first 10-15 eggs lang ang kuhanin per hen kada breeding season kasi solid na solid ang genetic transfer.
“Hindi masyadong nagkakasakit ang magiging anak at kung magkasakit man ay madaling gamutin,” dagdag ni Doc Marvin.