IPATIGIL kahit isang taon lamang ang pagpapataw ng value added tax (VAT) para maresolba ang record-high inflation na nagpapabigat sa pasanin ng mga Pinoy.
Iminungkahi ito ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos at positibo ito na may mga kapalit na hakbang ang maaring ipatupad upang hindi mangyari ang inaasahang pagkalugi ng gobyerno sa pagsuspinde pansamantala ng VAT.
Kapag sinuspinde ang VAT ng isang taon, malaking tulong ito sa mga mahihirap dahil siguradong bababa ang presyo ng mga pangunahing bilihin.
Iminungkahi rin ng gobernadora ang 10 porsiyento na pagsasaayos sa income tax collection, pagbabawas sa gastos ng mga ahensiya ng pamahalaan at iba pang hakbang na maaring makalikom ng P362 bilyon.
Lumalabas sa datos ng Bureau of Internal Revenue na kung lalago ng kahit 10 porsiyento ang income tax collection, maaring kumita ang gobyerno ng P102 bilyon ngayong taon at P113 bilyon sa susunod na taon.
Comments are closed.