PAGPATAY KAY HALILI KINONDENA NG MALAKANYANG

HALILI-Roque

MARIING kinondena ng Malakanyang ang pagpatay kay Tanauan City Mayor Antonio Halili kaninang umaga habang dumadalo sa flag raising ceremony.

Nagpaabot ng pakikiramay si Presidential Spokesman Harry Roque sa pamilya ni Halili kasabay ng pagtiyak na bibigyang hustisya ang pagkamatay ng alkalde.

Sinabi ni Roque na malaking kawalan si Halili sa kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga at kriminalidad.

“We condemn this kind of violence. We recognize Mayor Halili as mayor of one of the most progressive towns in Batangas, that’s Tanauan,” wika ni Roque.

Kilala  si Halili sa kanyang “shame campaign” sa mga kriminal at sangkot sa droga at kamakailan ay ina­lisan ng kapangyarihan ng National Police Commission (Napolcom) ang alkalde sa pulisya sa kanyang hurisdiksyon makaraang mapasama  ang alkalde sa listahan ng narco politicians.

“So I don’t know the relationship of drug list on the killing of Mayor Halili. But you can argue both ways. Because others recognized him as a pillar of the campaign against illegal drugs, the reason why the human rights (groups were complaining about his shaming campaign. But at the same time, he was included in the narco-list,” giit pa ni Roque.

Subalit nilinaw ni Roque na walang basehan ang magbigay ng konklus­yon sa ngayon habang isinasagawa pa ang masusing imbestigasyon sa pagpas­lang kay Halili.     EVELYN QUIROZ

Comments are closed.