PAGPAYAG NA MAKALABAS ANG MGA EDAD 10-14, PAG-ARALAN

Senador Bong Go-2

UMAPELA si Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher Bong Go sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na pag-aralang muli ang  pagpayag na makalabas ng bahay ang mga   nasa edad 10 hanggang  14.

Sinabi ni Go na delikado pa ang  sitwasyon at bilang  patunay, 3 sa 16 na bagong kaso ng COVID-19 ay nasa edad 18 pababa.

Ipinaliwanag ni Go na delikadong mas kumalat ang  virus sa mga bata lalo pa at malilikot ang mga ito at mahirap kontrolin kapag lumabas ang mga ito.

Kaugnay nito, posibleng maging dahilan ito  ng mas mabilis at mas maraming mahawa sa COVID-19 lalo pa at karamihan sa mga batang positibo sa virus ay asymptomatic.

Binigyang diin ni Go na wala namang dahilan para magmadali sa pagluluwag sa restriction partikular sa mga bata.

Aniya, mas mabuting hintayin na lang na magkaroon ng  bakuna sa bansa laban sa COVID-19. VICKY CERVALES

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *