LAHAT po ng anggulo ay tinitingnan sa pagpili ng gagawin na inahin, para rin pong sa mga beauty contest na pinararampa ang contestants para tingnan kung balansiyado talaga.
Ayon po kay Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp, madali lang pumili ng ganador o broodcock sapagkat may sparring o puwede mong ibitaw pero itong gagawing inahin na pang-breeding ay kailangan ay mabusisi at metikuloso ka talaga dahil ito ang pinakamahirap piliin kasi nga wala ngang sparring, palagi sa station at tindig ka lang aasa.
“Sa breeding ay palagi kang susugal walang kasiguraduhan, kaya kung tataya ka rin lang ay doon na sa kursunada mo at least kung sumablay man ay kursunada mo naman,” ang sabi ni Doc Marvin.
“Kung nalilito sa pagpili ng inahin, para hindi ka mahirapan ay isipin mo na ikaw ang ganador na kakasta, siguro naman ay tatama ka na sa pipipiliin mo,” dagdag pa niya.
Ayon pa sa kanya, dapat magse-set tayo ng target kung ano ba talaga ang plano natin —hindi ‘yung breed ka nang breed na hindi mo naman alam ang patutunguhan.
“During selection of candidates for breeding dapat mayroon kang sini-set na target hindi ‘yung breed ka nang breed pero hindi mo naman kayang ipaliwanag kung bakit iyon ang pinagpares mo. Be color specific! Isa sa indications na tumama ka o hindi ka lumalayo sa quality ng linyada ay halos lahat na produce mo for that breeding season ay magkakamukha o uniform ang hitsura kasi uniformity is a sign of quality!” paliwanag niya.
“Anuman po ang kapintasan ay dapat out nang out. Madali lamang humanap ng super galing na manok pero hinding-hindi ka makakakita ng manok na siguradong mananalo,” dagdag pa niya..
Sa pagpili po ng gagamiting inahin sa pagpapalahi kung ayos na sa standard natin ang physical appearance, penotype ang pinaka-importante para kay Doc Marvin.
“Pinakahuli kong tinitingnan ay ‘yung paglalakad kung ito ba ay balansiyado kaya dapat po sila ay palagi nating pala-lakarin,” ani Doc Marvin.
“Ang inahin na nakatayo na gamit ay isang paa lang para sa akin ay nag-aanak ng magaling ang panimbang o balanse,” dagdag pa niya..
Comments are closed.