PAGPILI NG INAHIN

SABONG NGAYON

LAHAT po ng angles ay tinitingnan sa pagpili ng gagawing inahin. Para rin po itong sa mga beauty contest na pinararampa ang contestants para tingnan kung balansiyado talaga.

“Madali lang pumili ng ganador sapagkat may sparring pero itong gagawing inahin na pang- breeding ay kailangan ay mabusisi/ metikuloso ka talaga dahil ito ang pinakamahirap piliin kasi nga wala ngang sparring, palagi sa station/ tindig ka lang aasa,” sabi ni Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp.

Sa pagpapalahi, ayon kay Doc Marvin, ay palagi kang susugal, walang kasiguraduhan kaya kung tataya ka rin lang ay doon na sa kursunada mo, at least kung sumablay man ay kursunada mo naman.

“Kung nalilito sa pagpili ng inahin para hindi ka mahirapan ay isipin mo na ikaw ang ganador na kakasta, siguro naman ay tatama ka na sa pipipiliin mo. Dapat magse-set ka ng target kung ano ba talaga ang plano mo hindi ‘yung breed ka nang breed na hindi mo naman alam ang patutunguhan,” sabi pa ni Doc Marvin.

“Ano man po ang kapintasan ay dapat out nang out. Madali lamang humanap ng super galing na manok pero hinding-hindi ka makakakita ng manok na siguradong mananalo!” dagdag pa niya.

The most critical stage during upbringing o pagpapalaki ng ating mga alagang manok ay ‘yung day 1 pagkapisa hanggang 6 na buwan ang edad kung saan dito naka-focus ‘yung pagtangkad.

“Pagdating ng 7-8 months old ay tigil na ‘yung pagtangkad nila at ‘yung nutrients na nakukuha nila sa kanilang tinutuka ay napupunta na sa body conformation kaya ang ideal age ng stag para ilaban ay 9 months old peak/ kalakasan niya iyan at ang pullet/ dumalaga naman ay kagandahan i-breed 9-10 months old,” ani Doc Marvin.

“Sa edad na 3 months old dapat hinaluan na ng pakaunti-kaunting grains at pellets para ma-exercise na ‘yung balunbalunan kasi kung hindi po gumagana ang gizzard, sila ay lumalalaki na ampaw o lambutin,” dagdag pa niya.

“Kaya nga ibinigay ng Diyos ‘yung gizzard ay para gamitin! Para scientific ang paglaki dapat ang pakain from day 1-4 months ay 19.5 percent CP SUPER SISIW at pagdating ng 5 months onwards 16 percent CP MAINTEMAX, wala nang ihahalo pa kasi balansiyado na, kaya kung talagang quality ang linyada lapis paa!”

Comments are closed.