PAGPROSESO NG GCTA SINUSPINDE

Menardo Guevarra

IPINAG-UTOS ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang pansamantalang pagsuspinde sa pagproseso ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) sa mga bilanggo.

Layunin ng suspensiyon na maging maingat para sa mga maaring mabigyan o  benepisyaryo ng GCTA.

Nagpahayag ang  DOJ ng pagnanais na suspensiyon matapos mabuo ang task force na susuri sa guidelines nito kasunod ng pagtutol sa paglaya ni convited rapist-murderer at dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Noong nakaraang linggo, nasa 200  preso ang napalaya matapos magpakita ng kagandahang asal  at napaikli  ng GCTA ang kanilang mga sentensiya.

Si Sanchez ay nahatulan ng pitong  reclusion perpetua na may katumbas na 40 taong pagkabilanggo kaugnay sa panggagahasa at pagpatay sa University of the Philippines- Los Baños student na si  Eileen Sarmenta at pagpatay kay Allan Gomez noong 1993.

Magugunita na sinabi ni  Sec. Guevarra noong una na posibleng mapasama si Sanchez sa tinata­yang 11,000 inmates na makikinabang sa Republic Act 10592,  na umani ng mga negatibong reaksiyon mula sa publiko maging ang mga kaanak ng mga biktima.

Comments are closed.