PAGPUPUGAY SA IKA-20 TAON NG TUKAAN SA TELEBISYON

PUSONG SABUNGERO

NAPAKABILIS  ng pagdaan ng panahon. Noong araw, parati kong binabanggit na ang sabong ay isang libangan lamang na nagaganap tuwing Linggo at madalas na sinasabing Sunday School ng ating mga lolo, tiyo at oldies na silang nagmulat sa atin ng kagandahang dulot ng libangang ito.

Noong unang umere ang TUKAAN, marami ang hindi makapaniwala na ang TV SHOW  na ito will DIE A NATURAL DEATH, marahil isa ang TUKAAN sa longest running TV show sa bansa na umabot na nga sa kanyang IKA-20 ANIBERSARYO. Unprecedented o mahirap tularan ang ganito na katagal na TV show na pumukaw sa kamalayan ng BAYANG SABUNGERO na ang sabong ay isang napakagandang kultura na sumasalamin sa pagkatao ng Filipino  at nagpapakilala sa tunay na puso ng bawat sabungero sa ating bansa.

Sa ating pagbabalik-tanaw noong nagsisimula pa lamang ang TUKAAN ay nakamamanghang  gunitain na isang TV show ang literal na nagsindi ng apoy at mabilis na lumiyab sa puso at isip ng BAYANG SABU­NGERO. Ang TUKAAN marahil ay maihahanay sa mga institusyon sa ating lipunan. Isang haligi ng sabong na ngayon ay naging napakalaki na at tuluyang lumalago dahil na rin sa mga sabong shows na sumunod dito.

Sa aking talaan at pakikipanayam sa mga alamat ng sabong dito sa Pinas o maging sa ibang bansa, iisa sila ng kanilang sinasabi sa ganda ng idinulot ng media sa mundo ng sabong, maging sa mga karatig bansa. Sa ngayon, napakaraming sabong shows na ang umeere sa iba’t ibang network sa Filipinas  at kung ating tutuisin ay na­kagugulat na ang sabong lamang marahil ang isport na may PITONG TV SHOWS na pinalalabas sa iba’t ibang estasyon araw-araw at ito ay pina­ngungunahan ng TUKAAN, SULTADA, CHAMPIONS OF EXCELLENCE, RATED EXCELLENCE, LEGENDS OF THE PIT at ALAGANG MAGA­LING. Mga progaramang binuo ng PITGAMES MEDIA, Inc. upang maihatid ang kaganapan sa industriya ng sabong ‘di lamang sa ating bansa kundi kahit saan sa mundo sa pamamagitan ng SOCIAL MEDIA at INTERNET.

Only in the Philippines will you find so many TV SHOWS dedicated to COCKFIGHTING, sabi ni ERIK ROSALES, isang MEXICAN AMERICAN na nagpatunay na mahirap talagang pantayan ang pagkahumaling ng mga PINOY pagdating sa libangang ito. Sa ngayon, ang mga palabas sa telebisyon ay binubuo ng SABONG TV, BAKBAKAN NA, SALPUKAN, SAGUPAAN, SABONG NATION, CHICKEN TALK, SABONG GLOBAL at SABONG PILIPINAS . Para sa inyong dagdag kaalaman, marami na rin ang nagtangkang mag-produce subalit ‘di nagtagal sa ere. Kaya kung  tutu­usin ay mahigit  sa 10 TV shows na ang sabong na umeere sa ating bansa BELIEVE IT OR NOT.

Sa paglagong ito, sumabay rin ang paglago ng industriya na ngayon ay maikukum­para sa pag-aalaga  ng baboy sa bansa. Nga­yon ay halos pareho na ang produksiyon ng GAMEFOWL FEED AT HOG FEEDS  na noong araw ay limang porsiyento lamang ang patukang nakokonsumo ng manok panabong kumpara sa baboy.

Sa mga susunod na Linggo ay tatalakayin  po natin ang iba’t ibang industriya at personalidad na gumanda ang buhay nang gawin nilang NEGOSYO ANG KANILANG BISYO.