PAGPUPUGAY SA ‘UNSUNG HEROES’

NAGBIGAY-PUGAY si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga  unsung hero ng bansa, kabilang ang mga guro, magsasaka, at healthcare worker, sa paggunita sa National Heroes’ Day kahapon.

Binanggit ng Pangulo ang malaking kontribusyon ng mga hindi mabilang na ‘unsung heroes’ sa pagsulong ng bansa.

“Today, we pay tribute to the countless unsung heroes whose contributions are no less significant in building and pushing our nation forward – the farmers who till our land, the wage earners who propel our economy, the teachers who shape the minds of our youth, the healthcare workers who save lives, the civil servants who respond to the needs of the public, and the everyday citizens who carry out simple acts of kindness to others,” pahayag ng Pangulo sa kanyang mensahe.

“In honoring our heroes, we affirm as our own the values, virtues, and ideals they stood for,” dagdag pa niya.

Inalala rin ni Marcos ang magigiting na bayani na matapang na nakipaglaban para sa ating kalayaan. Aniya, ang mga bayaning ito ang dahilan kung bakit tinatamasa ng mga Pilipino ang kalayaan na mayroon sila ngayon.

“Our heroes’ stories of courage, resi­lience, and patriotism bear even greater significance now that we are on the journey to becoming a truly revitalized and united nation,” aniya.

“From the valiant resistance of Lapu-Lapu against foreign invaders to the   revolutionary spint of Andres Bonifacio and the resolve of the Katipuneres, our rich heritage has been forged in the fires of shuggle. We remember the likes of Jose Rizal, Apolinario Mabini Ermillo Jacinto and many others whose names resound through the ages, reminding us of the need to rellentlessly thrive and fight for a better future.”

Patuloy sanang magsilbing inspiras­yon ang mga aral na iniwan ng ating mga bayani — ang lumaban nang buong lakas at tapang, magsakripisyo para sa iba, at ang kanilang matapat at maalab na pag-ibig sa bayan