BUKOD sa kooperasyong pang seguridad sa rehiyon, binigyang diin ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ang pagpupulong na namagitan kina Pangulong Ferdinand “Bongbong”Marcos Jr. at US Vice President Kama Harris ay magbubukas ng mas maraming oportunidad na pang ekonomiya sa mga Pilipino.
Tinalakay ang posibleng paglalagak ng investments ng mga semi conductor na negosyo sa bansa.
Ang naturang pagpupulong sa pagitan ng dalawang.lider ay naganap bago magsimula ang Asia.Pacific Cooperation Summit sa San Francisco.California ngayong linggo kung saan bukod sa pagpapalawig ng relasyong pang ekonomiya ay nagpatatag pa ito ng alyansang panseguridad ng Pilipinas sa Amerika.
“The successful bilateral meeting between President Ferdinand Marcos Jr and US Vice President Kamala Harris is a statement of enduring strength of the alliance between the United States and the Philippines”, sabi ni Romualdez.
Pinaboran din ni Romualdez ang ginagawa ni Marcos Jr. na gamitin ang bawat pagkakataon na.mayroon ito upang makipag -ugnayan sa iba’t ibang pinuno ng bansa na puwedeng pakinabangan ng bansa.
“President Ferdinand.Marcos,Jr. and Vice President Kamala Harris recognize the potential for mutual growth and prosperity through collaboration fostering economic opportunities that will benefit both nations ,”sabi ni Romualdez.
MA. LUISA GARCIA