SUMAILALIM sa culling process o paghihiwalay upang patayin ang anim pang mga baboy na hinihinalang apektado ng African Swine Fever (ASF) upang makontrol ang pagkalat ng naturang sakit sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan.
Natuklasan ang mga baboy na ito ay bukod pa sa nauna ng 103 na pinatay kamakalawa na nakapaloob sa 1 kilometer radius mula sa ground zero sa Barangay Baloling sa bayan ng Mapandan, matapos na magpositibo ang 15 sa 60 na mga baboy na ipinuslit sa probinsya galing sa lalawigan ng Bulac-an.
Ayon sa mga awtoridad, nakuha ang mga baboy sa Barangay Guesang sa bayan ng Mangaldan, na kalapit na bayan ng Mapandan.
Sinasabing ipinuslit ng madaling araw ang mga baboy ng anak ng negosyanteng si Adelaida de Guzman na si Kenneth de Guzman sa tahanan ng isang local hog raiser na si Lemuel Chico, ang anim na mga baboy dahilan upang ito ay hindi maisama sa mga dapat sanang ipasailalim sa total quaran-tine sa Barangay Baloling, Mapandan.
Mabilis namang isinailalim sa culling ang mga ito at agad na ibinaon upang maiwasan ang pagkalat ng ASF sa probinsya. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.