BATAAN- DAHIL umiiral pa rin ang modified general community quarantine (MGCQ) sa lalawigang ito, mahigpit na pinaiiral ang liquor ban na nagresulta para kumpiskahin ang mga alak na tangkang ipupuslit sana ng mga sasakyan na pumasok sa Mariveles.
Mahigpit ang direktiba ni Mariveles ‘Mayor Atty. Jocelyn Castañeda sa pagbabawal sa pagpasok ng alak at anumang uri ng nakalalasing na inumin sa kanyang nasasakupan.
Ang pagpatupad ng liquor ban sa lugar ay bilang pakikiisa alisunod sa panawagan ni Governor Albert Garcia hinggil sa mahigpit na pagpapatupad nito sa buong lalawigan.
Ang nasabing hakbang ay bilang bahagi ng pakikipaglaban upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa lalawigan. ROEL TARAYAO
Comments are closed.