PINAYUHAN ni Mayor Honey Lacuna ang mga senior citizen sa Maynila na tigilan ang pagre-reproduce ng kanilang senior IDs at pagkatapos ay ila-laminate dahil ito ay illegal at dapat na i-surrender ang kanilang city government-issued IDs kung lilipat na sa ibang lugar.
Ipinaliwanag ni Lacuna na hindi sila papayagan na magkaroon ng dalawang IDs mula sa magkaibang local governments.
“When they do so, the city government will issue to them, free of charge, a notarized cancellation which they can present to the local government of the city where they are transferring, so they can apply for a new OSCA ID,” pahayag ni Lacuna.
Ginawa ni Lacuna ang panawagan matapos iulat ni Office of Senior Citizens’ Affairs (OSCA) head Elinor Jacinto for senior citizens na base sa impormasyon nakalap ng kanyang tanggapan ay may mga senior na nagxe-xerox ng kanilang senior citizen IDs at pagkatapos ay nila-laminate ito.
“This is illegal reproduction,” ani Jacinto at idinagdag na kapag na-encounter nila ang ganitong klaseng IDs ay awtomatikong kukumpiskahin ito.
“There is no reason for the elderly to choose living in other cities because it is only in Manila where senior citizens enjoy benefits such as monthly cash allowance, free birthday cake and perks like free entry to moviehouses and the Manila Zoo and P100,000 cash benefit for centenarians, among others,” diin ni Jacinto.
Maging sa lingguhang ‘Kalinga sa Maynila’, nagpapalagay ang alkalde ng help desks upang umalalay sa mga senior citizen sa kanilang mga pangangailangan tulad ng free basic medicines, processing ng senior IDs at affidavits para sa lost IDs para makakuha sila ng bago gayundin ng provision para sa purchase booklets, bukod pa sa free check up.
Ang ‘Kalinga’ ay isang regular na fora na ginagawa ng alkalde sa mga barangay, kung saan ang mga pinuno ng departments, bureaus at tanggapan na madalas na hinahanap sa City Hall ay naroroon upang direktang sumagot sa mga tanong, usapan, reklamo at kahilingan.
VERLIN RUIZ