CAMP CRAME – INAMIN ng Philippine National Police (PNP) na garantiya na ang pagpapairal ng martial law sa Mindanao ay bentahe para hindi na mangyari ulit ang kambal na pagsabog sa Indanan, Sulu.
Ayon kay PNP Chief, PGen. Oscar Albayalde, kahit anong higpit ng seguridad ang kanilang ipatutupad kung talagang desidido ang mga gagawa ng karahasan ay maghahanap sila ng paraan.
Giit pa nito, na kahit aniya ang mga developed countries na napakahigpit ng security at magagaling ang intelligence gathering ay nalulusutan pa rin ng mga terorista.
Hiling na lang ng hepe ng pambansang pulisya sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad para sa information gathering.
Paliwanag nito, na ang peace and order sa bansa ay hindi lamang concern ng security forces kundi ng bawat isa. REA SARMIENTO