GAWING payapa ang seremonya sa pagsalubong sa pagdating sa bansa ng Balangiga bells.
Ito ang binigyang diin ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. at dapat maging pormal at taimtim ang seremonyang gagawin sa pagdating ng makasaysayang kampana.
Iginiit ng kalihim na dapat ay walang “silly o gory performance” pagdating ng naturang mga kampana sa Filipinas na matagal na nasa Amerika.
“I urge a purely military ceremony of giving and acceptance by the two brave forces opposed once upon a time,” pahayag ni Locsin.
Ayon pa kay Locsin, hindi dapat hayaan na masamantala ang pagkakataon na ito ng terorismo o komunismo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng hindi kanais-nais na pagsalubong sa mga ito.
Inaasahan na darating ng bansa ang mga makasaysayang kampana ngayong Disyembre matapos ang 115 na taong pananatili ng mga ito sa America bilang war trophies.
MADAMDAMING KUWENTO NG BALANGIGA
May madamdaming kuwento sa likod ng Balangiga bells.
Ayon kay Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI) Chairman Emeritus Johnny Dayang, batay sa kasaysayan, nilapastangan ng dalawang Amerikanong sundalong lasing ang isang Filipina at binugbog pa ang kapatid nito noong Philippine-American war.
Inaresto at ikinulong pa ng mga Amerikanong sundalo ang ilang lalaki sa Balangiga sa Samar at puwersahan silang pinagtrabaho.
Dahil nainsulto ay naghiganti ang mga taga-roon at isang gabi ay ginamit ang kalembang ng kampana bilang hudyat, nilusob at pinagtataga nila ang natutulog na mga Amerikanong sundalo. Napatay ang 74 sa mga ito, subalit gumanti ang mga dayuhan at pinagbabaril ang mga residente, pati mga bata, sinunog ang pamayanan at tinangay ang mga kampana bilang tropeyo ng digmaan.
Noong panahon ni dating pangulong Fidel Ramos ay napagkasunduan nila ng noo’y US president Bill Clinton ng Amerika, na isasauli ang mga kampana ngunit walang nangyari.
Ang tatlong tansong kampana ay naglagi sa Warren Air Force Base sa Wyoming, USA, habang sa US Camp Hovey malapit sa Seoul, South Korea naman ang isa pa.
Comments are closed.