PAGSAMA NI ABALOS SA DRUG RAID APRUB SA PNP

WELCOME sa Philippine National Police (PNP) ang pahayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. na sasama siya sa mga drug raid para i-motivate ang mga pulis.

Batay sa isang statement, sinabi ni PNP Spokesperson Brig. General Roderick Augustus Alba na morale booster para sa mga pulis ang pahayag ng kalihim.

Aniya, ang hakbang ng kalihim ay katulad ng pambansang polisiya na ipagpatuloy ang “momentum” sa kampanya kontra sa ile­gal na droga.

Makakatulong din ang suporta ng kalihim sa legal na opensiba ng kampanya kontra droga.

Nauna nang sinabi ni Abalos na pagtutuunan nito ng pansin ang pagsasampa ng mga kaso sa mga drug suspect upang masiguro na hindi mababasura ang mga kaso sa korte. REA SARMIENTO